PANGULONG DUTERTE, INAPRUBAHAN ANG PAGBILI NG P12.7-B BIGATING HELICOPTER SA RUSSIA


Loading...


Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng mga bigating helicopter sa Russia na nasa P12.7 bilyon ang halaga.

Inaasahan umanong mapapalakas ng bibilhing 16 Russian-made helicopter ang kakayanan ng Philippine Air Force laban sa mga banta sa seguridad ng bansa na nasa ilalim umano ng government-to-government deal.

Nauna nang napaulat na kabilang sa mga lalagdaang kasunduan ng Pangulo sa pagtungo nito sa Russia ang defense project.Bumiyahe si Pangulong Duterte para sa kanyang limang araw na working visit sa Russia.

Ang biyahe ng Pangulo ay bilang pagpapaunlak sa imbistasyon sa kanya ni Russian President Vladimir Putin.
Loading...
Kabilang sa mga nakatakdang aktibidad ng Pangulo ay ang pagdalo sa isang forum sa Sochi City kung saan makakasama nito ang ilang world leaders.

Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nitong sasamantalahin nito ang pagkakataon para lalo pang mapalawak at mapaigting ang relasyong bilateral ng Pilipinas at Russia.

Tatalakayin aniya nila ni President Putin ang mga paraan kung paano mapatatag ang kooperasyon sa larangan ng defense and security, paglaban sa terorismo, extremism at paglutas sa transnational crimes.

“I leave today for an official visit to the Russian Federation upon the invitation of President Vladimir Putin. Certainly, I will take the opportunity to discuss regional and global developments that impact the Philippines and Russia as key points of convergence of national interests where we can work together,” anang Pangulo.


Magiging tampok sa working visit ng Pangulo ang nakatakdang bilateral meeting nila ng kanyang idol na si Putin at inaasahan ang ilang lalagdaang kasunduan.“We expect key agreements — including in political cooperation, health, science and technology, and culture — to be signed,” dagdag pa ng Pangulo.
Loading...
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
{SOURCE}

Visit and follow our website: PINASUPDATESPH
© Pinas Updates Ph
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of pinasupdatesph.blogspot.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.